KEKXIFIED
Ang kaibigan parang LOBO, kapag nabitawan hindi na kailan man babalik….
pero meron naman jan parang TANGHALI, laging tapat!
meron din namang parang RULER, nagtutuwid ng baluktot mong pangangatwiran..
ang iba naman parang ERASER, sila ang tumutulong sa atin para makalimot sa mga problema…
pero meron ding mga kaibigan na ang turing sayo HELP DESK . lalapit lang sa’yo pag may kailangan…
Di mo man makita ang sarili mo sa mga yan, may natitira pa….
LATA. Simple lang, maingay pero kahit kailan, hindi naging plastik.
Hindi ito yung eksenang dapat nagddrama ako, pero hindi naman siguro napipili yung ganong panahon… malungkot lang talaga ako kasi yung akala mong permanente, dumadating din sa punto na kumukupas ito.
Masakit.
Dahil nakasanayan mong kasama ka pa sa mga planong lakad, hindi ka pa na-out of place sa mga kwentuhan, isa ka sa mga unang kinekwentuhan…
at ngayon, wala ka ng ideya sa lahat ng pangyayari.
kasalanan ko nga siguro na napalayo ako ng loob at nawalan ako ng oras… Hindi ko lang inaasahan na ang dating permanente, ay mahirap na ulit kulayan. Nababaran na ata ng zonrox yung pagkakaibigan namin… wala na akong alam… sinusubukan kong bumalik, pero kung hindi kailangan umuwi ng maaga, o may ibang lakad, o kaya’y pagod, andun sila lahat, nagkwekwentuhan ng mga nangyari sa kanila kamakailan o di’ kaya’y mag uusap sila tungkol sa taong estranghero sa aking utak.
Umaasa akong makabalik. Umaasa akong miss nga talaga nila ako. umaasa akong hindi lang ako isang kaibigang pang isang season lang ng buhay nila.


